unang araw ng Hunyo nang makitang napisa na
ang labing-isang itlog na nilimliman ng ina
halos apat na linggo ring sinubaybayan siya
buti't nagawa agad ang bagong tahanan nila
ah, nakakatuwang may bagong mga alagain
na sa panahong lockdown ay pagtutuunang pansin
kaya agad silang ibinili ng makakain
at nilagyan ng tubig upang di sila gutumin
ito ang ikalawang pagkakataong nangitlog,
nilimliman at napisa ng inahin ang itlog
ibang anak niya'y malalaki na't malulusog
ngayon, may labing-isang sisiw siyang iniirog
nawa'y magsilaki silang malakas at mataba
subalit mag-ingat sila sa mga pusang gala
magkaisa sila't huwag ring basta magpabaya
nang sa bayan ay may madulot din silang ginhawa
- gregbituinjr.
06.02.2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Buwaya, buwitre, at ulupong
BUWAYA, BUWITRE, AT ULUPONG parang holdaper ng buong nasyon na harap-harapan ang insersyon at pagkawat sa pondong dinambong ng buwaya, buwit...
-
ARAW AT BUWAN SA LUMANG KALENDARYO nang masaliksik ang El Calendario Filipino sa Apendice J ng disyunaryong Cebuano may lokal palang katumba...
-
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa up...
-
SA BUWAN NG EARTH DAY habilin sa simula ng buwan ng Earth Day, ating pangalagaan at linisin ang kapaligiran para sa ating kinabukasan ang pa...


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento