kaytagal ko ring nakasama ang gunting na iyon
higit limang buwan ding kasa-kasama maghapon
sa paggupit-gupit ng mga plastik kong tinipon
na ipapasok ko sa boteng plastik na naipon
halos ganyan na araw-gabi itong ginagawa
habang may pandemya kaysa naman nakatunganga
ang gunting na iyong nagsilbi't kasangga kong pawa
habang nageekobrik ng kusa sa aking lungga
ang gunting na iyong talagang kaylaki ng silbi
sa panahon ng pandemyang di ako mapakali
para sa kalikasan, dito ako nawiwili
kaya patuloy sa pageekobrik araw-gabi
salamat sa gunting na iyong aking nakasama
sa mag-aanim na buwan na ngayong kwarantina
sa higit dalawampung ekobrik, nagsilbi siya
salamat sa gunting na hanggang ngayon ay buhay pa
- gregoriovbituinjr.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Warfarin
WARFARIN tila mula sa warfare ang warfarin at kasintunog naman ng 'war pa rin' ngunit ito'y sistema ng pagkain sa ospital anong ...
-
KARRAANG AT KARSO sa pagitan ng wikang Ingles at Kastila mayroong dalawang Ilokanong salita na maganda rin namang ating maunawa nang maibaha...
-
Tula sa Earth Day 2020 E arth Day, ating ipagbunyi ang Araw ng Daigdig A lagaan ang kalikasan at magkapitbisig R itmo ng kalupaan ay i...
-
SUNKEN GARDEN kaysarap na tambayan ang paligid na mapuno dinig mo ang mga kuliglig sa pag-aawitan animo kuliglig ay naghahandog ng pagsuyo s...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento