Miyerkules, Oktubre 7, 2020

Huwag manigarilyo sa C.R.

huwag ka raw manigarilyo doon sa kubeta
at baka may nagbabawas doong may asma pala
maliwanag iyang mababasa sa karatula
kaya igalang ang karapatan sinuman sila

naisip ko lang naman, di ba't ang kubeta'y kulob
walang hangin, pag hinika ka'y baka masubasob
kaya pag-iingat sa kapwa'y gawing kusang loob
marahil gawin natin itong may pagkamarubdob

bakit sa kubeta pa? wala bang ismoking erya?
o baka mas maganda'y huwag manigarilyo pa
upang kapwa'y di na mausukan ng sunog-baga
maliban kung di magyosi'y kapusin ng hininga

bawat isa'y karapatan ang malinis na hangin
ayos lang kahit umutot ngayong may COVID-19
sakaling mapayosi ka'y huwag ka lang babahing
at baka magalit kahit dalagang anong lambing

- gregoriovbituinjr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Minimum Wage sa mambabatas, Living Wage sa manggagawa

MINIMUM WAGE SA MAMBABATAS, LIVING WAGE SA MANGGAGAWA saludo kina  Eli San Fernando  at  Renee Co sa panawagang minimum wage na sa solon swe...