Miyerkules, Disyembre 7, 2022

Butas

BUTAS

may butas sa bangketa
ang kanilang nakita
nilagyan ng basura
ah, ginawa'y tama ba?

basta butas ay lagyan?
at gawing basurahan?
kawawang kalikasan?
budhi nila'y nasaan?

may butas, parang kanal
basura ang pantapal?
ang ganito bang asal
ay anong tawag, hangal?

basta ba butas, pasak?
di ka ba naiiyak?
kalikasa'y nanganak
ng laksa-laksang layak!

- gregoriovbituinjr.
12.07.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pasaring

PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...