Biyernes, Enero 6, 2023

Sa Luneta


SA LUNETA

tarang mamasyal sa Luneta
kahit na tayo'y walang pera
ang wika nga sa isang kanta
pambansang liwasan talaga

halina sa isang upuan
sa Rizal Park, dating tambayan
upang kita'y magkumustahan
kumain at magkakwentuhan

lalo't paligid ay kayhangin
habang may saliw na awitin
kayraming namamasyal man din
na Bagumbayan din sa atin

tara, doon tayo'y mamasyal
kung saan binitay si Rizal
upang pagkahapo'y matanggal
at damhin yaring pagmamahal

- gregoriovbituinjr.
01.06.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa Luneta, Araw ni Rizal, 12.30.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sugatan sa paputok - 235 (2026), 236 (2019)

SUGATAN SA PAPUTOK - 235 (2026), 236 (2019) halos di nagkakalayo ang bilang ng naputukan sa Bagong Taon ng 2026 at 2019 sa bansa, ang sabi n...