DILAMBONG
anong inam ng nasaliksik kong salita
na natagpuan ko lang nang di sinasadya
agad nilitratuhan upang di mawala
sa isip ang dapat ibahagi sa madla
lalo't mahalagang salita sa pagtula
na nangangahulugan ng magandang wika
mula sa "dila nga maambong" ang salita
Hiligaynon pala ang nasabing kataga
sagisag din ng kataas-taasang diwa
at damdamin, kahulugan ngang tumatama
sa pagkatao't nakapagbibigay-sigla
pagsabi rin ng kapuri-puring salita
dilambong ang hagilap ng mga makata
upang mapahusay pa ang kanilang katha
- gregoriovbituinjr.
04.08.2023
* litrato mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 289
Sabado, Abril 8, 2023
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pasaring
PASARING may pasaring muli ang komikero hinggil sa senaTONG na nakakulong di raw magtatagal sa kalaboso dahil sa kaytinding agimat niyon aba...
-
ARAW AT BUWAN SA LUMANG KALENDARYO nang masaliksik ang El Calendario Filipino sa Apendice J ng disyunaryong Cebuano may lokal palang katumba...
-
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa up...
-
SA BUWAN NG EARTH DAY habilin sa simula ng buwan ng Earth Day, ating pangalagaan at linisin ang kapaligiran para sa ating kinabukasan ang pa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento