Miyerkules, Enero 10, 2024

Pamahiin

PAMAHIIN

huwag magwalis sa gabi
paniwala bang may silbi?
ikaw ba'y mapapakali
kung katulugan mo'y dumi

sa gabi'y huwag magwalis?
sa dumi'y makakatiis?
kung gabok sana'y mapalis
matutulog kang kaylinis

nag-aalis daw ng swerte
ang pagwawalis sa gabi
swerte pala'y nasa dumi
basura'y dalhin mo dini

mga ganyang pamahiin
ay parang amag sa kanin
di masarap kung nguyain
at tiyan mo'y sisirain

- gregoriovbituinjr.
01.10.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Magandang umaga

MAGANDANG UMAGA! magandang umaga, kumusta na? pagbating kaysarap sa pandama tilĂ  baga ang mensaheng dala paglitaw ng araw, may pag-asa saanm...