Biyernes, Pebrero 2, 2024

Reserbadong upuan

RESERBADONG UPUAN

reserbado ang upuan
pang-espesyal o mayaman
marahil may katungkulan
o mukhang kagalang-galang

minsan, ganyan din sa buhay
may silya para kay nanay
o sa amang tumatagay
upang sila'y mapalagay

may upuan sa palasyo
nakalaan sa pangulo
pinag-aagawan ito
ng mga kuhila't tuso

may laang silya din kaya
para sa obrero't dukha
ito'y dapat maihanda
tungong lipunang malaya

- gregoriovbituinjr.
02.02.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagmamalabis ng U.S.

PAGMAMALABIS NG U.S. (tulang binigkas na makata sa rali) tunay na naging mapagmalabis upang makopo nila ang langis ng Venezuela, sadyang kay...