ANG LABAN NG TSUPER
ang laban ng tsuper, sabing mariin
ay laban ng konsyumer tulad natin
ang kanilang panawagan ay dinggin
at sa laban sila'y samahan natin
lalo na't tayo'y pasahero ng dyip
sa modernisasyon, sila'y nahagip
di tayo payag na ma-phase out ang dyip
na kasama na mula magkaisip
ang sabi pa, wala raw ibang ruta
kundi ang landas ng pakikibaka
sigaw nila: Prangkisa, Hindi ChaCha
sa kanila, ako'y nakikiisa
phase out ang sa kanila'y kumakatay
ngayon, mawawalan ng hanapbuhay
ang mga tsuper na di mapalagay
kaya dapat tulungan silang tunay
- gregoriovbituinjr.
05.25.2024
* litratong kuha ng makatang gala sa tarangkahan ng Senado, 05.22.2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sikologo ba si Kologo?
SIKOLOGO BA SI KOLOGO? ang Espanyol daw ng psychologist ay psicologo , sa Filipino ay sikologo , kung itatambis parang sikologo si Kulogo di...
-
ALTANGHAP (ALmusal, TANGhalian, HAPunan) pritong isda, talbos ng kamote okra, bawang, sibuyas, kamatis pagkain ng maralita'y simple upan...
-
LAKAD-LAKBAY oo, lakad lang ako ng lakad kung saan-saan din napapadpad lakad lang, pagninilay ang hangad buti't di nasasagi ng awto, ng ...
-
natumba ang kandilâ at mesita'y nangitim nangalabit nga kayâ ang mga nasa dilim umihip lang ang hangin sa apoy na sumayaw tila ba isang ...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento