ANG WIKANG FILIPINO SA PALAISIPAN
sa Pahalang Labimpito
Tanong: Wikang Filipino
subalit ang sagot dito'y
Tagalog, tama ba ito?
Filipino nating wika
sa Tagalog batay sadya
na isinabatas pa nga
si Quezon yaong gumawa
ang wika'y di lang Tagalog
kundi Filipino, irog
isang wikang tinaguyod
na pambansa pag nasunod
sa tanang palaisipan
wikang pang-Katagalugan
ay wika ng buong bayan
ngunit sa ngayon lang iyan
sapagkat wikang Iloko
Bisaya man at Ilonggo
Tausug, Waray, at Pampanggo
ay wika ring Filipino
darating din ang panahon
samutsaring wikang iyon
pag nasama sa leksikon
magiging wika ng nasyon
- gregoriovbituinjr.
06.29.2024
* palaisipan mula sa pahayagang Abante, Hunyo 26, 2024, p.10
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ako'y bato
AKO'Y BATO ako'y bato, apo ni Batute na pagtula'y tungkulin at mithi pinaliliwanag anong sanhi bakit sistema'y nakamumuhi ba...

-
ARAW AT BUWAN SA LUMANG KALENDARYO nang masaliksik ang El Calendario Filipino sa Apendice J ng disyunaryong Cebuano may lokal palang katumba...
-
SA BUWAN NG EARTH DAY habilin sa simula ng buwan ng Earth Day, ating pangalagaan at linisin ang kapaligiran para sa ating kinabukasan ang pa...
-
Ang proyektong yosibrick iniipon ko ang mga upos ng sigarilyo pagkat isa sa naglipanang basura sa mundo gagawing parang ekobrick, yosibrick ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento