SIKAT NA ANG PANDESAL
madalas kong bilhin tuwing umaga
ay diyaryo at pandesal tuwina
kinaugalian ko na talaga
na pagkagising, iyan ang kasama
kanina, pagbuklat ko ng balita
pandesal pala'y sikat sa banyaga
kaya ngayon naglalaro ang diwa
bilang papuri, tula ay kinatha
O, pandesal na lagi kong agahan
nasa Top 40 World's Best Bread Roll naman
sikat na ang paboritong agahan
tumanyag na ang pandesal ng bayan
pagpupugay sa sikat na tinapay
lasang Pinoy, malinamnam na tunay
pag may pandesal, loob ko'y palagay
madalas kasama sa pagninilay
- gregoriovbituinjr.
06.11.2024
* ulat mula sa pahayagang Abante, Hunyo 11, 2024, p.8
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pananghalian sa ospital
PANANGHALIAN SA OSPITAL pananghalian dito'y gulay, isda't lugaw ayaw kumain ni misis, siya'y busog daw natulog siya't ibibil...
-
KARRAANG AT KARSO sa pagitan ng wikang Ingles at Kastila mayroong dalawang Ilokanong salita na maganda rin namang ating maunawa nang maibaha...
-
Tula sa Earth Day 2020 E arth Day, ating ipagbunyi ang Araw ng Daigdig A lagaan ang kalikasan at magkapitbisig R itmo ng kalupaan ay i...
-
NGITI SA HAM kaysarap sa puso ang ngiti animo'y sadyang bumabati aniya: Maligayang Pasko! di man ito mula sa labi o di man mula sa kalah...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento