TUMANOG
nagisnan muli'y bagong salita
sa palaisipang inihandog
nabatid nang sinagutang sadya
iyang duwende pala'y tumanog
duwende'y tila wikang Kastila
at tumanog ay wikang Tagalog
sadyang mayaman ang ating wika
pag kinain ay nakabubusog
sa krosword maraming natatampok
na katagang animo'y kaylalim
na dapat namang ating maarok
at tila rosas na sinisimsim
sariling wika'y ating gamitin
sa mga kwento, tula't sanaysay
katha ng katha ng katha pa rin
hanggang mga akda'y mapaghusay
- gregoriovbituinjr.
05.12.2025
* palaisipan mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 12, 2025, p. 11
Lunes, Mayo 12, 2025
Tumanog
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon
Tula sa sipnayan SI ARCHIMEDES, ANG SIPNAYANON "Bunying Archimedes, / tuklasin mo kaya, Kung korona'y gintong / lantay, purong gaw...
-
GINISANG SARDINAS NA MAY MALUNGGAY may dalawang sanga ng malunggay at may isang lata ng sardinas tiyak na namang ako'y didighay muling g...
-
ALTANGHAP (ALmusal, TANGhalian, HAPunan) pritong isda, talbos ng kamote okra, bawang, sibuyas, kamatis pagkain ng maralita'y simple upan...
-
NANG MANGATOK ANG MGA PUSA nagkumpulan na naman ang mga alaga kinatok ako't gutom na raw silang sadya kaya binigyan ko ng tirang pritong...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento