Huwebes, Nobyembre 20, 2025

Ayaw natin sa lesser of two evils

AYAW NATIN SA LESSER OF TWO EVILS

bakit papipiliin ang bayan
sa sabi nga'y "Lesser of Two Evils"
isa ba sa dalawang demonyo
ang magliligtas sa sambayanan?

HINDI, di tayo dapat pumili
sa sinumang demonyo't kawatan
piliin natin lagi'y mabuti
para sa lahat ng mamamayan

ano bang dapat nating piliin?
Kadiliman ba o Kasamaan?
Mandarambong o mga Kawatan?
Kurakot o Kasinungalingan?

piliin natin ang Kabutihan!
ang kabutihan ng Sambayanan
dapat manaig ang Kabutihan
ng bayan, buhay, kinabukasan

ayon nga sa ating Konstitusyon:
ang "Public Office is a public trust"
"Sovereignty resides from the people,
all authority emanates from them."

itayo: Peoples Transition Council
upang iwaksi ang trapo't evil
taumbayan na'y di pasisiil
sa dinastiya, burgesya't taksil

- gregoriovbituinjr.
11.20.2025

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ 2 sa bisperas ng National Poetry Day

TULÂ 2 SA BISPERAS NG NATIONAL POETRY DAY salamat sa nagpoprotesta sa Edsa Shrine pagkat ako'y binigyan ng pagkakataon na tumulâ sa kani...