Martes, Nobyembre 18, 2025

Radyo

RADYO

madalas, bukas ang radyo sa gabi
makikinig ng awit, sinasabi,
may dramang katatakutan, mensahe,
balita, huntahan, paksa'y mabuti

nilalaksan ko ang talapihitan
upang alulong ay pangibabawan
nang di marinig ang katahimikan
nang mawalâ ang kaba kong anuman

subalit pag pinatay ko ang radyo
nagtitindigan yaring balahibo
pag iyon na, pipikit na lang ako
at tinig ng mutya'y pakikinggan ko

laging gayon pag ako'y managinip
kung anu-ano yaring nalilirip
kapayapaan nawa'y halukipkip
sana'y sanay na sa gayong pag-idlip

- gregoriovbituinjr.
11.18.2025    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Doble presyo na ang okra

DOBLE PRESYO NA ANG OKRA nuong isang araw, sampung piso lang ang santaling okra, na lima ang laman, ngayon na'y bente pesos ang gayong o...