Biyernes, Enero 30, 2026

Tulâ 2 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026

TULÂ 2: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026

tungkulin ko nang ganap na niyakap
ang pinag-usapang Black Friday Protest
na kaisa ang kapwa mahihirap
kumikilos pa rin tuwing Biyernes

nagkakaisa kaming magpatúloy
hangga't walang korap na nananagot
kikilos pa rin kahit kinakapoy
dapat nang may makulong na kurakot

at mahúli ang malalaking isdâ
pati mga buwitre at buwaya
pag-alabin pa ang galit ng madlâ
nang mabago ang bulok na sistema

sarili kong katawan at isipan
ang aking ambag sa mga protesta
laban sa nangurakot at kawatan
sa pondo ng bayan, tanginanila

- gregoriovbituinjr.
01.30.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ 2 - Sa 5th Black Friday Protest ng 2026

TULÂ 2: SA 5TH BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026 tungkulin ko nang ganap na niyakap ang pinag-usapang  Black Friday Protest na kaisa ang kapwa ma...