Biyernes, Enero 5, 2024

Paalala sa sarili

PAALALA SA SARILI

magtimpla ng gatas sa umaga
o kaya ay maghanda ng tsaa
katawa'y palakasin tuwina
lalo't tulad ko'y tumatanda na

patuloy pa ring maglakad-lakad
mag-ehersisyo kahit makupad
mag-push-up din para sa balikat
upang lumakas pag nagbubuhat

minsan naman ay mag-shadow boxing
tiyaking sapat lang kung kakain
gulay at isda ang almusalin
pagkain ng karne'y bawasan din

dapat katawan na'y alagaan
lalo't higit ang puso't isipan
gatas o tsaa muna'y agahan
bago ang trabaho'y paghandaan

- gregoriovbituinjr.
01.05.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Habang lulan ng traysikel

HABANG LULAN NG TRAYSIKEL nagninilay / habang lulan / ng traysikel hinahabol / daw ako ng / tatlong anghel ibalik ko / ang hiram na / ginton...