Miyerkules, Abril 17, 2024

Ama bilang bayani ng pamilya

AMA BILANG BAYANI SA PAMILYA

sa bawat anak, bayani ang tatay
lalo't di nito bisyo ang tumagay
kundi anak ay pag-araling husay
anak nama'y makikinig na tunay

sa amin, si Dad ay isang bayani
na talagang maipagmamalaki
nagawaran pa siya ng Employee
of the Year noon ni Pangulong Cory

nagtrabaho sa kabila ng hirap
ng buhay ay talagang nagsumikap
sa pamilya'y tunay na may pangarap
na ginhawa'y makamit naming ganap

wala na si Dad, na namayapa na
sa edad niyang walumpu't dalawa
pagpupugay sa iyo, aming ama
tangi kong masasabi'y "Mabuhay ka!"

- gregoriovbituinjr.
04.17.2024

* litrato mula sa app game na Word Connect

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Palayain lahat ng bilanggong pulitikal!

FREE ALL POLITICAL PRISONERS! Free All Political Prisoners! Free All Political Detainees! mga bilanggong pulitikal palayain! ang aming sigaw...