Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Babantayan kita magdamag

BABANTAYAN KITA MAGDAMAG

mahal ko, ako'y narito lang
upang punan ang pagmamahal
di man ngayon makapaglibang
dahil narito sa ospital

gagawin ko ang makakaya
kahit ikaw ay nahihimbing
patuloy pa ring umaasa
na ikaw talaga'y gagaling

habang nariyang nakaratay
tandaang naririto ako
hindi magsasawang magbantay
sa ospital para sa iyo

nawa'y lalagi kang matatag
nang gumaling na't mapanatag

- gregoriovbituinjr.
11.07.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talbos ng sibuyas

TALBOS NG SIBUYAS bente pesos ang tatlong piraso ng nabiling talbos ng sibuyas mayaman sa  Bitamina A, C, K, at fiber  o hibla, mabuti at pa...