Sabado, Marso 22, 2025

Magramo, bagong WBC champ; anak ni Pacman, wagi

MAGRAMO, BAGONG WBC CHAMP;
ANAK NI PACQUIAO, WAGI

Congrats po sa dalawa nating boksingero
bagong WBC champ na si Magramo
habang wagi sa lightweight si Eman Bacosa
sa Blow-by-Blow na ginanap pa sa Okada

tinawag na "Hurricane" dahil anong galing
ni Arvin Magramo na sisikat sa boxing
pang-anim na sunod na panalo ni Eman
na sumunod sa yapak ng amang si Pacman

anang ulat, napaluhod ang katunggali
ni Magramo kaya sa hurado'y nagwagi
at si Bacosa naman ay nagpakawala
sa kalaban ng ilang solidong patama

kina Arvin at Eman, mabuhay, mabuhay!
magpatuloy kayo't ipakita ang husay!

- gregoriovbituinjr.
03.22.2025

* WBC - World Boxing Council
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 22, 2025, p,12

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagtitig sa kawalan

PAGTITIG SA KAWALAN minsan, nakatitig sa kawalan sa kisame'y nakatunganga lang o nakatanaw sa kalangitan kung anu-anong nasa isipan pali...