Biyernes, Marso 21, 2025

Si Prof. Vim Nadera at ako

SI PROF. VIM NADERA AT AKO
(Alay sa World Poetry Day)

nakita ko na siya noon nang ako'y nag-LIRA
dalawang dekadang lumipas, ako'y nakasama
sa Palihang Rogelio Sicat, siya ang mentor ko
sa pagtula, sa kanya ako'y talagang saludo

nang maglunsad ng mga bagong aklat ang UP Press
kami'y nagkita, nagkakumustahan ng mabilis
binigyan ko siya ng Taliba ng Maralita
na publikasyon namin sa samahan ng dalita

Taliba'y pinuri niya't ako'y padadaluhin
sa isang aktibidad ng mga may mumunting zine
o maliit na magasin tulad ng pahayagang
Taliba, natuwa ako't sumang-ayon din naman

at sa UP, aklat niya'y inilunsad ding tunay
pamagat: "Tokhang at Iba Pang Nanlabang Sanaysay"
na kasabay ng isinalin kong aklat din doon
ang "Pamumuhay sa Panahon ng Ligalig" iyon

sa pagsasalin ako'y magpatuloy, kanyang payo
na isang tungkuling ginagawa ng taospuso
maraming salamat sa iyong payo, Professor Vim
tagos sa loob ko, matalim, malalim, taimtim

- gregoriovbituinjr.
03.21.2025

* litratong kuha sa Pagmayaw: Paglulunsad ng mga Bagong Aklat ng UP Press 2024 na ginanap sa UP, Marso 20, 2025
* LIRA - Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hindi pa raw isusuko ang 'Bataan"

HINDI PA RAW ISUSUKO ANG 'BATAAN' grabeng metapora kapag iyong tiningnan tila ba sexist remark sa kababaihan sa pagbabalita sa isang...