NAKAPAPASONG INIT SA PANGASINAN
klase'y sinuspinde sa Pangasinan
dahil sa grabeng init ng panahon
nauna na ang Lungsod ng Dagupan
at mga katabing bayan pa roon
San Fabian, Rosales, Santa Barbara
Manaoag, Bautista, San Carlos City
pati Jacinto, Labrador, Basista
ang Bayambang pa't Urdaneta City
nakapapasong init tumatagos
magklaseng face-to-face na'y walang silbi
abot kwarenta'y singko degrees Celsius
baka magkasakit ang estudyante
sa matinding init, ingat po tayo
ang klima na'y talagang nagbabago
- gregoriovbituinjr.
03.14.2025
* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Marso 14, 2025, p.2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
National Poetry Day, alay kay Jose Corazon de Jesus
NATIONAL POETRY DAY, ALAY KAY JOSE CORAZON DE JESUS ang Pambansang Araw ng Pagtulâ ay inalay sa tanging makatâ Bayan Ko nga'y siya ang...
-
ARAW AT BUWAN SA LUMANG KALENDARYO nang masaliksik ang El Calendario Filipino sa Apendice J ng disyunaryong Cebuano may lokal palang katumba...
-
KINALABOSONG UPOS K ita nyo bang sa dagat, mga upos na'y nagkalat? I katlo raw ito sa laksang basura sa dagat N aisip nyo bang sa up...
-
SA BUWAN NG EARTH DAY habilin sa simula ng buwan ng Earth Day, ating pangalagaan at linisin ang kapaligiran para sa ating kinabukasan ang pa...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento