Biyernes, Marso 14, 2025

Buhay-pultaym

BUHAY-PULTAYM

oo, prinsipyo ang bumubuhay sa akin
di salapi, di datung, di pera, di atik
aktibistang Spartan pa rin hanggang ngayon
na kumikilos upang tuparin ang misyon

di ako nabubuhay upang kumain lang
kumakain ako upang mabuhay lamang
nakatuon pa ring tuparin ang adhikà
para sa maralita't uring manggagawà

di natapos ang B.S.Math sa kolehiyo
upang magpultaym at kumilos sa obrero
pasya'y pinag-isipan hanggang sa lumisan
doon sa apat na sulok ng paaralan

naglalakad upang sa pulong makarating
nag-ipon sa tibuyô upang may gastusin
binubuhay ng masang pinaglilingkuran
pamilya na'y bayan, ganyan ang buhay-pultaym

- gregoriovbituinjr.
03.14.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang abusadong ama

DALAWANG ABUSADONG AMA bumungad ay dalawang kaytinding balita ng dalawang amang umabuso ng anak dahil sa kanilang mga krimeng ginawa imbes p...