BAGYONG ISANG HATAW
kung walang kuwit o comma
mababahala ang masa
sa bumungad na balità
pukaw atensyon sa madlâ
ulat: Bagyong Isang, Hataw
hindi Bagyong Isang Hataw
pangalan ng bagyo'y Isang
hahataw sa kalunsuran
ang Bagyong Isang Hataw ba
ang Big One pag nanalasa
marami ang masasaktan
kaya mag-ingat, kabayan
aba'y Bagyong Isang Hataw
tila mundo'y magugunaw
buti't balita'y may kuwit
bagyong si Isang, hihirit
kaya ating paghandaan
ang pagbaha sa lansangan
lalo't pondo ng flood control
sa kurakot na'y bumukol
- gregoriovbituinjr.
08.24.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Agosto 23, 2025, p.2
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Aguha at Habilog
AGUHA AT HABILOG tanong: Pahalang Labindalawa Kamay ng relos; sagot: AGUHA sagot sa Labimpito Pababâ HABILOG sa tanong: Biluhabâ Aguha ay ng...

-
ARAW AT BUWAN SA LUMANG KALENDARYO nang masaliksik ang El Calendario Filipino sa Apendice J ng disyunaryong Cebuano may lokal palang katumba...
-
SA BUWAN NG EARTH DAY habilin sa simula ng buwan ng Earth Day, ating pangalagaan at linisin ang kapaligiran para sa ating kinabukasan ang pa...
-
BUKREBYU: ANG REGALONG AKLAT NG MAKATANG GLEN SALES Nakasama ko nang minsan sa pagtitipon ng mga makata sa Luneta si Glen Sales, isang guro ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento