Martes, Enero 6, 2026

Sa iyong ika-42 kaarawan

SA IYONG IKA-42 KAARAWAN

saan ka man naroroon
maligayang kaarawan
ninamnam ko ang kahapon
na tila di mo iniwan

oo, nasa gunita pa
ang mapupula mong labi
akin pang naaalala
ang matatamis mong ngiti

tulad ng palaso't busog
ni Kupido sa puso ko
binabati kita, irog
sa pagsapit ng birthday mo

muli, pagbati'y tanggapin
sa puso ko'y ikaw pa rin

- gregoriovbituinjr.
01.06.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paunang Salita sa aklat na TINIG NG DUKHA, Katipunan ng mga Akda ni Ka Pedring Fadrigon

PAUNANG SALITA ni Gregorio V. Bituin Jr., sekretaryo heneral ng KPML Maraming naiwang akda si Pedrito “Ka Pedring” Fadrigon , pambansang pan...