Lunes, Pebrero 2, 2026

Tutulan ang imperyalistang giyera!

TUTULAN ANG IMPERYALISTANG GIYERA!

bakit natin dapat tutulan ang digmaang
bunsod ng katakawan sa kapangyarihan
na hangad manakop ng ibang kalupaan
ganyan ang imperyalismo ng kasibaan!

ang sabi'y dahil sa doktrinang Monroe nila
lahat ng bansa sa Amerika'y kanila
kanila raw ang buong Latin America
soberanya ng bansa'y binalewala na

tayo bang mamamayan, payag sa ganito?
ito na nga ba'y rurok ng kapitalismo?
na ang kaytaas na yugto'y imperyalismo?
wala namang pakinabang ang bayan dito!

imbes na kapayapaan ang tinatahak
sa digmaan, tiyak mga dugo'y papatak
at maraming inosenteng mapapahamak
ating isigaw: imperyalismo, ibagsak!

sa ating mga mamamayan ng daigdig
huwag hayaang busalan ang ating bibig
tutulan natin ang giyera't panlulupig
ng imperyalista't tayo'y magkapitbisig!

- gregoriovbituinjr.
02.02.2026

* litrato kuha ng makatâ sa harap ng Senado, 01.22.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang daiit na napapanahon o hinggil sa panahon

Di pa kaya kayo galit sa aking dalawang dalit? Mga tiwaling kaylupit, pera ng baya'y inumit! DALAWANG DALIT NA NAPAPANAHON O HINGGIL SA ...