Linggo, Marso 22, 2026

Pagbabakasakali ngunit sulit

  

PAGBABAKASAKALI NGUNIT SULIT
‎kayrami kong natutunan sa Printbiz
‎para sa akin ay sulit na sulit
‎nais kong natutunan ko'y magamit
‎sana dito'y di ako magmintis
‎di sapat ang aking napagbentahan
‎ng mumunti kong libro ng tulaan
‎dapat may dagdag na pagkakitaan
‎sa Printbiz ay nagbakasakali lang
‎ngunit sulit pagkat ako'y natuto
‎upang ang buhay ay muling tumakbo
‎pasasalamat ang tanging alay ko
‎pagkat may pagkakakitaang bago
‎maraming salamat at pagpupugay
‎sa Printbiz, mga mentor ay kayhusay
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.22.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Limang libreng palabas sa Mowelfund at pagtula

LIMANG LIBRENG PALABAS SA MOWELFUND AT PAGTULA ‎ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Hinati sa dalawang bahagi ang pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo...