Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

Daang gulong

DAANG GULONG

pag-akyat nila ng hagdanan
bubuhatin ang bisikleta
ngayon, nagawan ng paraan
daang gulong ay nagawa na

anong galing nilang mag-isip
nang siklista'y di na magbuhat
wastong paraan ay nahagip
taospusong pasasalamat

ah, simpleng engineering iyon
upang buhay ay pagaanin
anong galing na inobasyon
upang lakbay ay pabilisin

sa pag-akyat sa hagdang bato
mga siklista'y di na hirap
may dalang ginhawang totoo
ang daang gulong na pangarap

- gregoriovbituinjr.
11.16.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tula sa sipnayan: Si Archimedes, ang sipnayanon

Tula sa sipnayan SI ARCHIMEDES, ANG SIPNAYANON "Bunying Archimedes, / tuklasin mo kaya,  Kung korona'y gintong / lantay, purong gaw...