Martes, Disyembre 27, 2022

Palaisipan

PALAISIPAN

samutsaring palaisipan
na sagot ay di na malaman
kailangang imbestigahan
bakit ganito'y nagsulputan

sinisira yaring daigdig
ng gahama't mapangligalig
paano sila mauusig
kung wala sa ating titindig

paano gaganda ang klima
kung coal plants ay tuloy ang buga
patuloy pa ang pagmimina
pagsunog ng fossil fuel pa

kinakalbo ang mga bundok
usok ay nakasusulasok
mga pulitiko ba'y bugok?
dahilan ng sistemang bulok?

ah, pangalagaan ang mundo
na tanging tahanan ng tao
kinabukasan ng kapwa mo
ay pag-isipan ding totoo

- gregoriovbituinjr.
12.27.2022    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagngiti pala'y isa ring sandata

PAGNGITI PALA'Y ISA RING SANDATA minsan, ngiti na lang ang naiiwan kong sandata upang kaharapin ang buhay at mga problema lalo't yar...