Biyernes, Hunyo 23, 2023

Nagdidilim ang langit

NAGDIDILIM ANG LANGIT

nagdidilim ang langit
may parating na bagyo
sakali mang magngalit
dulot nito'y delubyo

ang bubong kung may butas
ay agad nang tapalan
pag umulan tatagas
sa loob ng tahanan

kung babaha, itaas
ang mga kagamitan
magpayong kung lalabas
o magbota rin naman

kung hangin na'y lumakas
at bumuhos ang ulan
sana po kayo'y ligtas
bumaha man sa daan

- gregoriovbituinjr.
06.22.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Isinantabi

ISINANTABI sadyang iba ang isinantabi kaysa binasura, nariyan lang itinago lang, iyan ang sabi ng mga senador na hinirang ibig sabihin, di p...