Huwebes, Hunyo 20, 2024

Pabula: Huntahan ng 2 pusa

PABULA: HUNTAHAN NG 2 PUSA

nakita ko ang dalawang alaga
masarap ang higa ng isang pusa
habang isa naman ay nakalinga
na animo'y naghuhuntahang sadya

tanong ng isa, "Saan ka patungo?"
sagot sa kanya, "Ako'y manunuyo
ng pusang kayganda't nararahuyo!"
"Ingat, baka tungo ay biglang liko!"

nakakatuwa't may payo pang hatid
ang ate'y nagbilin pa sa kapatid
mag-ingat upang di ito mabulid
sa disgrasyang di nito nababatid

dalawa silang alaga sa bahay
doon na isinilang silang tunay
kaya lagi akong nakasubaybay
nang may maikwento't maisalaysay

- gregoriovbituinjr.
06.20.2024

* litratong kuha ng makatang gala

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang payo ni Inay

ANG PAYO NI INAY tanda ko pa ang sinabi ni Inay noon huwag mong basta pahihiramin ng payong ang taong kilala ka lang pag umuulan bagay na di...