Biyernes, Hulyo 26, 2024

Palaisipan

PALAISIPAN

bata pa'y nagsasagot na ako
ng krosword sa samutsaring dyaryo
umaga pa dyaryo'y bibilhin ko
upang krosword ay sagutan dito

sa palaisipan nahahasa
ang aking bokabularyo't diwa
nababatid ang mga salita
sa kasalukuyan, bago't luma

krosword ay malaking naitulong
nang wikang Filipino'y isulong
ang wikang mamahalin mong bugtong
tulad kong nagmamakata ngayon

nakaupo man sa gilid-gilid
sa krosword may tulang malulubid
salitang tinahi ng sinulid
tiyak sa dibdib may sayang hatid

- gregoriovbituinjr.
07.26.2024

* palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Hulyo 26, 2024, p.10

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang huling selfie namin ni misis

ANG HULING SELFIE NAMIN NI MISIS tanghali ng Hunyo a-nuwebe nang kami ni misis ay nag-selfie at nagkakatuwaan pa kami iyon na pala ang hulin...