MULA WORLD #140, UMANGAT NA SA WORLD #75 SI ALEX EALA
taaskamaong pagpupugay kay Alex Eala
mula sa World Number One Hundred Forty, umangat na
siya sa ranking, World Number Seventy Five na siya
dahil sa panalo sa mga nakalaban niya
aba't tatlong Grand Slam Champion ang kanyang tinalo
kasama doon ang World Number Five at World Number Two
nasa Top Four sa semifinals, humanga ang mundo
siya'y isang inspirasyon sa mga Filipino
ipakita mo pa, Alex, ang bilis mo at husay
ipakita mo pa ang galing ng atletang Pinay
ipinagbubunyi namin ang bawat mong tagumpay
maging kampyon ka sa mundo sana'y aming masilay
sa mga nagawa mo para sa bayan, salamat
kaya, O, Alex Eala, isa ka nang alamat
mga susunod na henerasyon ay mamumulat
susunod sa yapak mo, muli, maraming salamat!
- gregoriovbituinjr.
03.29.2025
* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Marso 28, 2025, p.8
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento