Biyernes, Oktubre 10, 2025

Paglahok sa Black Friday Protest

PAGLAHOK SA BLACK FRIDAY PROTEST

isa lamang ako sa mamamayang galit
ekspresyon ang Black Friday Protest sa paggiit
ng hustisya para sa dukha't maliliit
na tinig ay kayhabang panahong winaglit

panahon nang maparusahan at ikulong
ang mga lingkod bayan daw ngunit ulupong
mga kongresista't senador na nangotong
pati kontratistang ginawa tayong gunggong

kahit ako'y nag-iisa, tiyak lalahok
sa takbo ng kasaysayan nang mailugmok
ang sistemang bulok at pulitikong bugok
nang uring manggagawa'y ilagay sa tuktok

simpleng tibak man ako at abang makata
pag nabago ang sistema'y saka huhupa
ang galit nitong bayan sa trapong kuhila
ngayon, tabak ni Andres muna'y hinahasa

- gregoriovbituinjr.
10.10.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paglahok sa Black Friday Protest

PAGLAHOK SA BLACK FRIDAY PROTEST isa lamang ako sa mamamayang galit ekspresyon ang  Black Friday Protest  sa paggiit ng hustisya para sa duk...