Sabado, Nobyembre 1, 2025

Bakas ng kahapon

BAKAS NG KAHAPON

narito't naiwan pa ang bakas
ng nakaraan, ng nakalipas
tulad ng kaalaman ng pantas
kung ano ang kakaharaping bukas

sa bakas man ay may tubig-bahâ
dahil sa mga tiwaling sadyâ
na mga kurakot na kuhilà
kayâ ang bayan ay lumuluhà

hanggang ngayon aking naninilay
di basta magpatuloy sa buhay
na sarili lang isiping tunay
kumilos pag di na mapalagay

maging bahagi ng kasaysayan
at mag-iwan ng bakas sa daan
na sa buhay na ito ay minsan
para sa hustisya'y nakilaban

- gregoriovbituinjr.
11.01.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Apat na kandila sa labas ng bahay

APAT NA KANDILA SA LABAS NG BAHAY madaling araw, naihi ako nang makita sa labas ng bahay may nakasinding kandilâ, naku salamat sa sinumang n...