Biyernes, Marso 20, 2026

Sa ika-12 Black Friday Protest ng 2026

SA IKA-12 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026
‎patuloy lang tayo tuwing Biyernes
‎sa paglulunsad ng Black Friday Protest
‎saan man maganap, itim ang bihis
‎sa pangangalampag, di magmimintis
‎wakasan na iyang mga digmaang
‎para sa pansariling kapakanan
‎ng mga nanggigiyerang kawatan
‎sugo ng kapitalismong gahaman
‎dinidigma ang tahimik na bansâ
‎upang langis nito'y agawing sadyâ
‎ng imperyalistang Kano't kuhilà
‎na talaga namang kasumpâ-sumpâ
‎patuloy pa rin ang pagpapanagot
‎sa mga mandarambong at kurakot
‎sa kaban ng bayan, ang mga buktot
‎ay ikulong, di dapat makalusot
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.20.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Awit sa karapatan

AWIT SA KARAPATAN ‎ ‎UDHR - Universal Declaration  of Human Rights ‎ ‎ayon sa UDHR, Artikulo Uno ‎pantay, may dignidad at karapatan tayo ‎si...