Huwebes, Setyembre 3, 2026

Imbes Pero ay Ngunit, Datapwat at Subalit

‎IMBES PERO AY NGUNIT, DATAPWAT AT SUBALIT
‎
‎Aniya: Pero nadulas siya.
‎Ikako: Ngunit nadulas siya.
‎
‎Aniya: Pero ako'y lumaban.
‎Ikako: Ngunit ako'y lumaban.
‎
‎Aniya: Pero nakibaka rin.
‎Ikako: Ngunit nakibaka rin.
‎
‎Aniya pa: Pero ako ito.
‎Ikako: Subalit ako ito.

Sabi niya: Pero maaari.
Aniko: Datapwat maaari.
‎
‎Imbes Pero ang aking ginamit,
ay Datapwat, Ngunit at Subalit.
‎
‎Ang Pero ay wikang Kastilaloy,
subalit may katumbas sa Pinoy.
‎
‎Kung may sarili tayong salita,
‎gamitin natin nang di mawala.
‎
‎- gregoriovbituinjr.
‎09.03.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paalala sa publiko

‎ PAALALA SA PUBLIKO ‎palasak ang No ID, No Entry ‎saanmang tanggapan o gusali ‎ ‎n'ung pandemya, No Facemask, No Entry ‎sa opis, mall, ...