Martes, Hulyo 15, 2025

Maraming trabahong nakabinbin

MARAMING TRABAHONG NAKABINBIN

maraming trabahong nakabinbin
na aking dapat talagang gawin
tambak na deadline ang hahabulin
pagdadalamhati ba'y tapusin?

o isingit ito sa panahon
habang tinatrabaho ang layon
ang oras ay di parang bakasyon
paano na ang ipanglalamon?

sa trabaho'y dapat nang humarap
itipa na ang salin sa laptop
iakda'y tula't kwentong pangarap
at balita sa dyaryo'y mangalap

sa pagtulog na lang magpahinga
habang may bagyong nananalasa
habang dinadalaw pa ng musa
ng panitik sa pagnonobela

- gregoriovbituinjr.
07.15.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang apat kong tanága sa Poetry Night

‎ANG APAT KONG TANÁGA SA POETRY NIGHT ‎ni Gregorio V. Bituin Jr. ‎ ‎Matapos manood ng dulang Manila Carnival Queens sa Metropolitan Theater ...